never been loved
Bi. 16. Senior. Brahman.
DSP's

Yung parehas kami ng favorite song. :”) Hahaha. Invisible <3


Alam mo ang gulo mo.

Minsan masaya tayo.

Minsan naman parang hangin lang ako sayo.

All of me. Invisible.

Siya: Uy favor?

Ako: Sure. Ano yun? :)

Siya: Kantahan mo ko please?

Ako: Oh noooo.

Antagal nya yata bago ako napilit. Hindi naman kasi ako kumakanta. I mean, hindi ako magaling kumanta. Never akong napakanta thru phone or VMs. Hahaha! Sa banyo, sa kwarto at sa tuwing kasama ko laang mga kaibigan ko. 

Pero dahil napakalakas niya talaga sakin, napakanta niya din ako. Grabeng practice pa bago ako kumanta. Nakakahiya! Though wala namang improvement yung boses kong pangbanyo! Kinantahan ko siya ng All of Me pero yung simula lang. Hahaha. Yun ang kinanta ko kasi.. yun yung kanta ko para sa kanya. :”> 

Grabe ang kulit ng boses ko. Hahaha. Tas kinantahan ko ulit sya ng Invisible by Hunter Hayes. Alam niyo yun? Yung theme song ng PBB pag may nae-evict. Wala e. Invisible lang kasi ako sa kanya. :)


Lahat sila tanga ang tawag sakin, martir. Pasensya na, nagmamahal lang talaga. Pati ang kaisa isang taong sumusuporta sa akin sa kahibangan ko sa kanya, sinukuan na din ako… Ang hitap tuloy lalo.

Kinikimkim ko lang lahat ng sakit…

Iniiyak ko na lang sa unan ko…

Wala na akong mapagsabihan ng mga dinadamdam ko…

Palagay ko, sasabog na ko sa sobrang sakit at lungkot. </3 :(

Anyare.

Shaina, ano? Ano nang nangyari sayo? Di ka pa ba napapagod masaktan? Di ka pa ba napapagod na umasa? Di ka ba napapagod maghintay sa wala?

Hindi ako to. Hindi na ako si Shaina. Ano ba? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko? Bakit ganito na lang ako kaapektado samantalang wala naman siyang pakialam sa akin.

Umiiwas na sya. Ngumingiti naman siya pag nagkakasalubong kami. Pero di ko na magawang ngumiti sa kanya ng ngiti na puno ng pagmamahal at tuwa. Wala na akong maingiti sa kanya kundi ngiti ng sakit at kalungkutan. 

Magchachat ako, inboxzoned.

Magtetext siya, magrereply ako, GMzoned.

Lately, napaka-moody ko. Napaka-bilis kong magalit. Sinisigawan ko na lahat. Muntik pa akong makasuntok sa sobrang pikon. Ganto ba talaga? Bumabalik na naman ba ako sa pagiging topakin at bugnutin? Hays.

Nakatagal din ako na isang linggong walang load a di pinapakialaman ang phone. Ganito ba talaga? Ang hrap naman.

Hindi ako mawawala sayo.. Pangako.

Yes. Totoo yun. Kahit lalayo na ako sayo, it doesn’t mean na mawawala ako. Di mo lang ako makikita. Di din kita kakausapin. Pero kakamustahin pa din kita para malaman ko kung okay ka lang o kailangan mo ng tulong mula sakin. :)

Nahihirapan na kasi ako. Sobrang sakit na. 

Di ko na talaga kaya e.

Pasensya na….


Sorry kung kailangan kong lumayo. Umiwas. This time… sarili ko naman ang iisipin ko.

Miss na kita.

Sobra.

Sobra..

Sobra…

BAD DAY!!!

Paggising ko, bv agad. Hays. Mga 10:30 na yata ako nagising. Wattpad agad tas naligo ako ng 11. Nakasay ako ng jeep alas dose na. Tsk! Tas nanghihina talaga ako pagpasok. Yun bang parang nangangatog yung tuhod ko pag naglalakad. :( Tas wala talaga ako sa mood. Paksht. Nakapila na kami sa tapat ng lib, tas nakita ko sa reflection ng salamin si Dhan at Nheo. Hayss. Matic napabalikwas ako. Sakit…. Hehe po. 

Tas ayun. Sobrang bv talaga ako. Nagbabasa na lang ako ng book. Pinag-lockan ko ng pinto yung mga tarantado kong kaklase. Tas nakapasok din dahil kinalikot ng ID. Tangina! Pinaringgan pa ako! “Tapang na tapang, basted naman kay Daniella! Oops! Kay Solar nga ano?” Mga tangina! Gusto ko na talagang manuntok kanina. Wala akong nagawa kundi umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak  Nilapitan ako nung mga kaklase ko at tinanong kung bat ako naiyak. Nasabi ko lang e. “Wala, nakakiyak kasi tong binabasa ko.” Tas tinawanan nila ako. 

Ano ba yan!! Balewala ang matataas na score sa exam e!! Hays. Pero ayos din, may maganda din akong maibabalita sa Nanay ko. Sana naman maging proud sya at matuwa man lang :)